Munting Pangarap
January 20, 2009Pinapangarap ko
Na ikaw ay mapasaakin
Aking dinamdam habang buhay
Na aking ginusto ay iyong tuklasin
Kung sana lang, alam mo rin
Kung gaano kita minamahal ng buo
Na kaya kong ibigay sa iyo
Lahat ng makakaya ko
Binubuhos ko
Kahit hindi mo nahahalata
Lahat ng pag-ibig
Na aking nadarama
Araw-Araw, Gabi-Gabi
Sa malayo lang kita nakikita
Minsan halata, minsan hindi
Puso ko ay napapagod na
Kung sabihin mo lang
Ang gusto kong marining
Sa katotohanan, alam ko naman
Na yan ay hindi mo sasabihin
kailan man
©2005
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


